Linggo, Pebrero 2, 2014

pasukan na uli bukas

ngayong araw ay maaga kaming mag anak na gumising para magsimba sa lumang bayab  pagkatapos ay pinabantay ako ng tita ko yung bynso niyang anak dahil may importante lang daw siyang aasikasuhin.

Sabado, Pebrero 1, 2014

boring ee!

ngayong araw ay wala naman akong masyadong ginawa naglaba lang uli kami sa bahay ng lola ko ng mga uniporme na gagamitin namin sa lunes tsaka nakinuod lang rin kami ng pelikula.

Biyernes, Enero 31, 2014

year of wooden horse!!

ngayong araw ay pumunta kami sa lola ko para maglaba sira kasi ang tubo ng tubig sa sitio namin,pagkatapos maglaba ay sinama ako ng tita ko sa palengke para bumili ng bigas ,katulad ng inaasahan marami ang nagtitinda ng mga pampaswerte na mga kagamitan  pati na rin ang pinakasikat na pagkain sa pilipinas tuwing chinese new year .

Huwebes, Enero 30, 2014

kaibigan...ugat ng karahasan

ngayong araw ay nagsimula ang aming talakayan sa pagbabahagi ng isa sa aking kamag aral ng sanaysay na pinamagatang kaibigan...ugat ng karahasan,pagkatapos ay sinagutan namin ang ilang katanungan na hindi namin natapos kahapon.

Miyerkules, Enero 29, 2014

iskripto

ngayong araw ay tinalakay namin ang bmga ginamit na iskripto  na ginamit sa pelikulang himala, ang mga maikling iskripto na kadalasang ginagamit ni elsa ay maaring dahilan ay ang pangungutya sa kanya noong bata pa lamang siya dahilan para siyay maging kime o di pala kibo dahil rin dito napag aralan namin ang ibat ibang uri ng sikolohiya na maaring naging resulta ng truma na dulot ng mga pangyayari kay elsa.

Martes, Enero 28, 2014

tadhana

ngayong araw ibinahagi ko sa buong klase ang tulang aking ginawa na pinamagatan kong tadhana pagkatapos nito ay inisa isa muli namin ang mga pangyayari na nangyari kay elsa sa pelikulang himala , pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain kung saan ang ibang pangkat ay ipapaliwanaga ang mga salitang hindi pamilyar sa amin at sa ibang pangkat naman ay ang iskripto na ginamit rito.

Lunes, Enero 27, 2014

nakakaloka

ngayong araw ay nagtanong ang bamig guro sa kung ano para sa amin ang himala at kung sinu sino sa amin ang nakasaksi ng himala ,marami rami rin ang nagbahagi . Pagkatapos ay binasa ng isa sa aking kamag aral na pelikulang himala ni Ricky Lee, hindi na namin ito natalakay dahil wala ng oras ngunit ipagpapatuloy namin ito bukas.

Linggo, Enero 26, 2014

with cousins

ngayong araw ay maaga uli akong nagising para magsimba,dumating rin ang mga pinsan ko para sumama sa simbahan dumiretso kami sagrocery para bumili ng mga snacks namin pagkauwi ay naglinis lang ako sandali tapos ay nagpunta kami ng computer para magpaprint ng mga takdang aralin namin ng kapatid ko.