Martes, Disyembre 31, 2013

konti pah!!

ngayong araw ay abala na lahat para sa medya noche,maging sa amin ay naghahanda narin para mamaya sa pagsalubong sa bagong taon, maingay na din dahil marami ng mga nagpapaputok.

Lunes, Disyembre 30, 2013

yehey!malapit na po new year!

ngayong araw ay pumunta kami ng palengke para bumili ng mga prutas kahit medyo siksikan na keri lang, pagkatapos ay pumunta kami sa lola ko dahil wala siyang kasama doon, yung iba ko kasing tito ay umalis para mamalengke rin.

Linggo, Disyembre 29, 2013

bwahahaha!

ngayong araw ay walang sawa kaming nanuod ng wrong turn kasama ang mga pinsan namin, mga bandang hapon naman ay pumunta kami ng palengke para bumili ng ulam namin para sa hapunan.

Sabado, Disyembre 28, 2013

gawa gawa din

ngayong araw ay sinimulan ko na tapusin ang mga proyekto na ipapasa ko sa bawat asignatura para mas matapos ako ng maaga.

Biyernes, Disyembre 27, 2013

boredom day po!!

ngayong araw ay wala akong magawa pagkatapos kasi ng gawaing bahay mgisa na lang ako sa bahay kasi pumunta sila sa lola ko kaya niyaya ko na lang na magmovie marathon yung pinsan ko.

Huwebes, Disyembre 26, 2013

babye!

ngayong araw ay dinalaw namin ang tita ko dahil paalis na siya sa makalawa para mgpunta sa ibang bansa  mga dalawang taon rin siya doon, mga bandang hapon ay bumili kami ng mga bagong damit at mga gagamitin namin sa mga proyekto.

Miyerkules, Disyembre 25, 2013

pasko na sinta koh!

pasko na po yippie! pumunta nga pala kami sa taguig para bisitahin ang iba pa naming kamag anak. Nkikita ko na asinsado na sila sa buhay ,nakapagtapos lahat sila sa pagaaral at may maganda ng trabaho sa ngayon  kaya naman humanga ako sa kanila dahil sa kanilang determenasyon para makapagtapos ng pag aaral kahit na mahirap ang buhay.

Martes, Disyembre 24, 2013

ha?

ngayong araw ay busy ang mga tao para sa noche buena ngayong gabi, mga bandang hapon ay pumunta kami sa tito at tita namin .

Lunes, Disyembre 23, 2013

traffic eey

ngayong araw ay marami ng tao sa  grocery na pinuntahan namin para bumili ng mga handa para sa darating na kapaskuhan kaya naman medyo natraffic kami sa pag uwi.

Linggo, Disyembre 22, 2013

walang magawa ee

ngayong araw ay karaniwang araw lang katulad ng lagi naming ginagawa pag walang pasok linis,kain,basa,laba,tulog .

Sabado, Disyembre 21, 2013

visiting ang peg

ngayong araw, katulad ng mga nakaraang araw ay nagsimba  kami  sa malapit na chapel sa amin  pagkatapos ay umuwi muna kami saglit at agad ring pununta sa  lola ko.

Biyernes, Disyembre 20, 2013

basa basa rin pag may time!

ngayong araw ay gumawa lang kami ng mga gawaing bahay ng kapatid ko pagkatapos nito ay nagbasa lang ako ng mga kwento sa wattpad,naglaba rin kami at pagkatapos ay nanuod lang ng pelikula.

Huwebes, Disyembre 19, 2013

party!party!

ngayong araw ay nagdaos kami ng `christmas party` kasama ang aking mga kamag aral at si gng manlagnit, masaya sapagkat maraming palaro ang inihanda ng mga `officers`ng aming klase may kanya kanyang dala rin ng pagkain ang bawat pangkat. Pagkatapos ng pagdiriwang ay pumunta kami ng mga kaibigan ko sa mall at sa WOF pagtapos ay naglibot pa kami para bumili ng  damit, sa di inaasahan ay may palabas pala na gaganapin doon at mga taga ibang bansa ang gaganap kaya saglit kaming nanuod,kumain din kami sa food court, hapon na ng makauwi ako sa amin.

Miyerkules, Disyembre 18, 2013

EHEM!

ngayong araw ay mailkli lamang ang oras ng bawat asignatura, sa mga naunang asignatura ay nagtama lamng kami ng ng mga pagsusulit, safilipino naman ay nagkaroon ng maikling pagtatanghal kung saan ang ilan sa mga kamag aral ko ay umawit.

Martes, Disyembre 17, 2013

karerin niyo pahh

ngayong araw ay puspusan ang pagiinsayo ng bawat pangkat sa gaganaping presentasyon sa asignaturang filipino binigyan kami ng oras ng iba pang guro upang makapaginsayo pa, ng dumating ang oras ng filipino at nagtanghal na ang bawat pangkat  na sa tingin ko ay naging maayos at malikhain bukod pa dito ay gumawa rin ng tula ang ilan sa aking mga kamag aral na angkop para sa darating na kapaskuhan.

Lunes, Disyembre 16, 2013

pinakamahalagang importante

ngayong araw ay maaga akong gumising para sa misa sa aming `chapel` hindi ko na ito natapos dahil mahuhuli na ako sa aming klase kagaya ng dati ay nagsimula sa asignaturang `chemistry`, sa oras namn ng filipino ay tinalakay namin ang mahahalagng detalye sa paggawa ng buod  at hakbang na dapat gawin para makagawa ng maayos na buod.

Linggo, Disyembre 15, 2013

simba simba din

ngayong araw  ay nagsimba kami kasama aking pinsan sa lumang bayan at pagkatapos nun ay binisita rin namin ang aking lola at iba ko png mga pinsan.

Sabado, Disyembre 14, 2013

praktis lang

ngayong ay araw ng sabado,nagkaroon kami ng pagsasanaysa aming paaralan kasama ang aking mga kamag aral para sa dulang itatanghal namin sa asignaturang ingles, agad naman kaming natapos umuwi  agad ako para simulan ang paglalaba ng mga uniporme namin at iba pang mga damit pagkatapos ay pumunta kami ng kapatid ko sa palengke para bumili ng pgkain para sa hapunan.

Biyernes, Disyembre 13, 2013

sanaysay o salaysay

ngayon  ay isang pangkaraniwang araw lamang para sa mga mag aaral na tulad ko,nagsimula ang aming klase  sa asignaturang chemistry, nagkaroon ng mahabang pagsusulit. Sa mga sumunod pang asignatura naman ay nagkaroon kami ng ibat ibang aktibidad hanggang sa dumating ang oras ng filipino, gumawa kami ng sanaysay o salaysay sa kung paano namin matutupad ang aming mga pangarap.

Miyerkules, Disyembre 11, 2013

kinagisnang balon

ngayong araw ay nagsimula ang klase namin sa pagtatanong ng aming guro sa kung nakakita na ba kami ng balon pagkatapos nun ay nagpakita siya ng ilang mga larawan na konektado sa akdang aming tinatalakay,sa simula ng akda ay ang prolugo na inilalarawan ang balon atkasunod nito ay tungkol sa pag iibigan ni tandang owenyo at nana pisyang at sa buhay ng kanilang anak na si narsing na pinaniniwalaan ng mga taga tibag na magmamana ng pagiging aguwador ni tandang owenyo.

Martes, Disyembre 10, 2013

Lunes, Disyembre 9, 2013

wala wala!

ngayong araw na ito ay wala ang aming guro na si gng mixto kung kayat si ginoong mixto na lamang ang nagbantay o nagturo sa amin.Nagbigay siya ng ilang malalalim na pahayag na mula sa akdang Kinagisnang-Balon

Biyernes, Disyembre 6, 2013

pangarap natin ay abutin

ngayong araw na ito ay gumawa kami ng sanaysay tungkol sa kung ano ang mga hakbang upang matupad ng mga kababaihan ang kanilang mga pangarap at mga sa paanong paraan magbibigay galang ang mga kalalakihan ng paggalang ang mga kababaihan.

Huwebes, Disyembre 5, 2013

wow talk show!!

ngayong araw na ito ay  nagtanghal ang bawat pangkat ng gawain naka atas sa kanila at ang napunta sa aming pangkat ay ang pagbabalita.

Miyerkules, Disyembre 4, 2013

feminismo

ngayong araw ay tinalakay namin ang teoryang feminismo na tumatalakay sa kalakasan at transpormayon g mga kababaihan at t nagbigay rin ang aming guro ng gawain kung saan ilalahad namin kung mayroon bang naganap na pagbabago kay fely batay sa pahayag.

Martes, Disyembre 3, 2013

boom karaka-karaka!

ngayong araw ay tinalakay namin ang mga sal;itang inuulit sa akdang banyaga ni liwayway arceio at nagbigay ang aming guro ng takdang aralin na gumupit ng larawan ng mga kababaihan na nagtagumpay.

Lunes, Disyembre 2, 2013

actually di ako marunong mag english

ngayong araw ay nagpakita ng ibat-ibang litrato ng mga sikat na kababaihan at tinalakay namin ang akda na BANYAGA,nagbigay ang aming guro ng ialang katanungan ukol sa akdang aming binasa.

Linggo, Disyembre 1, 2013

wala si mam

ngayong araw ay wala ang aming guro kaya si ginoong mixto ang nagturo sa amin at pinapili niya kami ng mga bahagi sa akda na aming nagustuhan at di-nagustuhan, kasama na rin dito ang aming bisang pangka-isipan at bisang pandamdamin.