Biyernes, Enero 31, 2014
year of wooden horse!!
ngayong araw ay pumunta kami sa lola ko para maglaba sira kasi ang tubo ng tubig sa sitio namin,pagkatapos maglaba ay sinama ako ng tita ko sa palengke para bumili ng bigas ,katulad ng inaasahan marami ang nagtitinda ng mga pampaswerte na mga kagamitan pati na rin ang pinakasikat na pagkain sa pilipinas tuwing chinese new year .
Huwebes, Enero 30, 2014
kaibigan...ugat ng karahasan
ngayong araw ay nagsimula ang aming talakayan sa pagbabahagi ng isa sa aking kamag aral ng sanaysay na pinamagatang kaibigan...ugat ng karahasan,pagkatapos ay sinagutan namin ang ilang katanungan na hindi namin natapos kahapon.
Miyerkules, Enero 29, 2014
iskripto
ngayong araw ay tinalakay namin ang bmga ginamit na iskripto na ginamit sa pelikulang himala, ang mga maikling iskripto na kadalasang ginagamit ni elsa ay maaring dahilan ay ang pangungutya sa kanya noong bata pa lamang siya dahilan para siyay maging kime o di pala kibo dahil rin dito napag aralan namin ang ibat ibang uri ng sikolohiya na maaring naging resulta ng truma na dulot ng mga pangyayari kay elsa.
Martes, Enero 28, 2014
tadhana
ngayong araw ibinahagi ko sa buong klase ang tulang aking ginawa na pinamagatan kong tadhana pagkatapos nito ay inisa isa muli namin ang mga pangyayari na nangyari kay elsa sa pelikulang himala , pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain kung saan ang ibang pangkat ay ipapaliwanaga ang mga salitang hindi pamilyar sa amin at sa ibang pangkat naman ay ang iskripto na ginamit rito.
Lunes, Enero 27, 2014
nakakaloka
ngayong araw ay nagtanong ang bamig guro sa kung ano para sa amin ang himala at kung sinu sino sa amin ang nakasaksi ng himala ,marami rami rin ang nagbahagi . Pagkatapos ay binasa ng isa sa aking kamag aral na pelikulang himala ni Ricky Lee, hindi na namin ito natalakay dahil wala ng oras ngunit ipagpapatuloy namin ito bukas.
Linggo, Enero 26, 2014
with cousins
ngayong araw ay maaga uli akong nagising para magsimba,dumating rin ang mga pinsan ko para sumama sa simbahan dumiretso kami sagrocery para bumili ng mga snacks namin pagkauwi ay naglinis lang ako sandali tapos ay nagpunta kami ng computer para magpaprint ng mga takdang aralin namin ng kapatid ko.
Sabado, Enero 25, 2014
no failing grades
ngayong araw ay ay maaga akong gumising para magluto ng almusal dahil maagang aalis si nanay para kuhain ang card ko,si nanay ang kukuha ng card ko samantalang si tatay naman ay papasok na sa trabaho,pagkauwi ni nanay ay masaya ako dahil maayos ang grades ko.Pagdating ng haponay bumalik uli si nanay sa school para naman kuhain ang card ng kapatid ko ay ng pinsan ko .
Biyernes, Enero 24, 2014
maria & juana
ngayong araw ay binuod namin ang akdang pamana , ipinaliwanag namin ang kasabihang ibinigay sa amin ng aming guro bago pa man namin talakayin ang akda at iniugnay namin ito sa akda,pagkatapos ay napagusapan rin namin ang mga elemento ng maikling kwento at pagkaraan ay binigay rin ng aming guro ang gawain namin kung saan ay gagawa kami ng isang maikling kwento na ilalagay sa makulay na papel.
Huwebes, Enero 23, 2014
ulit ulit lang
ngayong araw ay nagsimula ang aming klase sa pagbubuod ng akdang aming tinatalakay,nagbalik aral rin kami sa mga napagaralan namin kahapon ng mga banghay at ito ang ss. simula,saglit na kasiglahan,kasukdulan,kakalasan at wakas pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain ,doon ay gagawan namin ngbanghay ang akdang aming tinatalakay.
Miyerkules, Enero 22, 2014
daldal pah!
ngayong araw ay iniulat ng bawat pangkat ang takdang aralin para sa bawat pangkat ng mga matatalinhagang mga pahayag sa akda na kalupi, pagkatapos ay nagbigay ang aming guro ng ilang katanungan at lininaw ang ilang mali sa pagpapaliwanag ng mga tagapagulat. Ngayong ikaapat na markahan na gagawa ang bawat indibidwal ng tula o sanaysay na babasahin sa buong klase matapos nito ay nagbigay ang aming guro ng halimbawa ng tula upang gabay sa paggawa namin ng tula.
Martes, Enero 21, 2014
roar!
Ngayong araw ay nagbigay ang aming guro ng kasabihan na may kinalaman as tatalakayin naming kwento na Ang Kalupi ni Benjamin Pascual itoy binasa ng aking kamag-aral habang may nagsasadula any iba sa mga kamag-aral,matapos nitoy nagtanong ng ilang katanungan ang aming guro. Dahil sa hindi name kasya ang aming oras at bukas na lamang namin ito ipagpapatuloy.
Lunes, Enero 20, 2014
ang saya noh?
Ngayong araw napagusapan namin ang gawain napagusapan namin ang gawain na iniwan sa amin ng aming guro hung nakaraang araw, muli naming binalikan ang kahulugan ng tulang pandamdamin at sa pagkakataong ito ay muli kaming gagawa ng tulang pandamdamin pero ito ay pangkatan na may sukat ngunit maaring walang tugmaan. Huli na ng maipasa namin ito dahil na rin sa haba ng oras sa paguugnay- ugnay into.
Biyernes, Enero 17, 2014
tulang pandamdamin
Ngayong araw at wala ang aming guro kung kung kayat ibang guro na lamang ang nagbantay o nagturo sa amin ngunit nagiwan siya ng Gawain kung saan ay gagawa kami ng tulang pandamdamin. Maaring tungkol sa pag ibig,kaibigan o maging sa magulang at itoy may sukat at tugma na binubuo ng tatlong saknong na may tig-aapat na taludtod bawat saknong, natapos ko naman ang gawain sa oras.
Huwebes, Enero 16, 2014
liham para kay nanay
Ngayong a raw ay nagbalik aral kami sa aming tinalakay namin kahapon at nagbigay rin ang aming guro ng ilang katanungan tungkol pa rin a tinalakay namin. Pagkatapos ay nagbasa ang aming guro ng nakakaantig na liham ng magulang para sa kanyang anak, pinagawa rin kami ng liham kung saan ilalagay o isusulat namin sa makulay na papel ang mga nais naming sabihin sa aming mga magulang lalo na as aming ina.
Miyerkules, Enero 15, 2014
ano?
Ngayong araw ay nagkaroon kami ng aktibidad kung saan kakanta ang bawat pangkat ng kantang may kinalaman sa isang ina o pagmamahal nito, ang ikalawang pangkat ang nakakuha ng pinakamaraming puntos. Kasunod naman ang pagawit ng buong klase sa isang awit name pinamagatang' ugoy ng duyan' at itoy inihambing sa akdang aming tinatalakay. Pare has itong tumatalakay as pagmamahal ng isang anak para as kanyang ina, pagkatapos ay nagkaroon ng pangkatan name iniulat rin ng bawat pangkat .
Martes, Enero 14, 2014
kwento mo sa blog
Ngayong araw at ikalawang araw para sa ikaapat na markahan, nagkaroon kami ng unting pahapyaw sa mga naintindihan namin sa tulang pamana kung saan ipinapahayag ng bunsong anak ang pagmamahal niya sa kanyang Ina at ganoon din ang pagmamahal ng kanyang Ina para sa kanyang anak, pagkatapos noon ay nagtanong ang aming guro kung sino sa aming mga magulang ang ayaw naming mawala o hindi namin kayang mawala, nagbahagi ang ilan sa aking kamag aral ng kanilang mga opinyon. Maging ang aming guro ay nagbahagi rin, matapos nito ay nagkaroon ang bawat pangkat ng paguulat sa bawat saknong ng akda at dahil pangkat isa kami ay napunta sa amin ang unang saknong.
Lunes, Enero 13, 2014
ikaapat na markahan
ngayong araw ay nagkaroon kami ng flag ceremony bago magsimula ang aming klase,nagtana rin kami ng mga pagsusulit sa ibat ibang asignatura. Sa oras naman ng filipino ay nagkaroon kami ng gawain bilang isa tungkol sa tula ni Jose Corazon De Jesus na PAMANA na gagawan ng reaksyon at ang posibleng nais nitong ipahiwatig, ang tulang iyon ay tumutukoy sa anak na nalulungkot sa panghihina ng kanyang ina at sa maging sa tila pamamaalam nito.
Miyerkules, Enero 8, 2014
araw ng pagsusulit
Ngayong araw na ang pagsusulit namin sa ikatlong markahan ang asignaturang mapeh,english, tle at filipino . I wish makapasa ako sa mga pgsusulit namin Palo name bukas name math name he hehe:)
pagsusulit
ngayong araw ay wala kamingr masyadong ginawa sa ibat ibang asignatura, nagbalik tanaw lang kami sa mga napagaralan namin ngayong ikatlong markahan. Sa oras naman ng Filipino ay nagkaroon kami ng mahabang pagsusulit kasama narin dito ang mga napagaralan namin kahapon.
Martes, Enero 7, 2014
tunggalian
Ngayong araw ay tinalakay naming ang mga tunggalian, ito ay ang ss tao as tao, tao as sarili, tao sa lipunan, at tao sa kalikasan. Tinalakay rin namin any mga simbolismo as noli me tangere; bahay ni kap.tiyago name sumisimbolo sa maling pamamahala ng mga kastila sumunod naman ay ang bayan ng San Diego name sumisimbolo as kawalan ng kaunlaran at ang huli at mismong si sisa name sumisimbolo naman sa magulong pamilya.
Lunes, Enero 6, 2014
go lang ng go!
Hi there blog! Ngayong araw ay nagkaroon kami ng flag ceremony muntik pa nga ako malate ee :) anyway highway pinasa na rin pala namin ang iba pa naming mga proyekto sa I bat I bang asignatura at sa oras naman ng filipino at napagusapan namin any proyekto naming pati narin ang pagbubuod ng dalawang akda at pelikula, pagkatapos naman ay gumawa kami ng repleksyon tungkol sa mga nangyari as amin nung mga nakaraang taon at ang nais naming baguhin ngayong bagong taon
Linggo, Enero 5, 2014
paggawa ng mga buod
Ang Gilingang bato ni Edgardo M. Reyes
Sa kwentong ito ay isinasalaysay ng bunsong anak na pamilya ang kanilang buhay. Ayon sa kanya ang gilingang bato na ginagamit ng kaniyang ina sa paghahanap buhay ay minana niya kay impo na sinasabing isang mahusay na magsusuman sa buong San Fermin. Ang kaniyang ina ang tanging nagmana ng talino sa paggawa ng puto sa kanilang magkakapatid, hindi niya malaman kung gaano kahusay ang kaniyang ina sa paggawa ng puto dahil rin sa araw araw niya namin itong natitikman ngunit sa kaniyang pag iisip siguroy sawa lamang siya sa pagkain nito, ang pangkabuhayan ng kaniyang ina ay hindi sandigan ng kabuhayan nila bagkus ay ang kabuhayan ng kaniyang ama na pagpapanday.Noong namatay ang kaniyang ama ay napilitan silang magkakapatid na magtulong tulong upang matugunan ang kanilang pangangailangan, ang kaniyang mga nakakatandang kapatid ay nagtulong sa isang puwesto upang magtinda ng puto bumbong at bibingka sa kanto, si Ditse naman ay nakapuwesto sa palengke tuwing umaga at sa hapon naman ay naglilibot, si Diko naman ay karaniwang tinda ay butse at palitaw at siya naman ay naglalako ng gurgoya.
Nang minsan siyay naglako ay napaaway siya dahil sa panunukso ng mga bata sa lansangan, nang umuwi siyang may mga pasa ay pinagsabihan siya ng kaniyang ina na walang dapat ikahiya dahil marangal ang kanilang trabaho. Naging mas magaan ang kanilang buhay kumpara noon na nabubuhay pa ang kanilang ama.Nakapagtapos silang magkakapatid ng kolehiyo maliban kay Ditse na tumigil sa pag aaral dahil na rin siya ay may kapurulan ang ulo sa eskwela, lumipa ang panahon at nakapag asawa na silang lahat ngunit hindi sila lumilimot sa pagdalaw sa kanilang ina na matanda na.Dumating ang oras na kinapos sila sa pera kung kayat ang kaniyang mga nakakatandang kapatid ay lumalapit sa kaniyang ina, kahit kapos man sa pera ay mas minabuti niya na huwag na lamang ipinahalata sa kaniyang ina ang kalagayan niya.Nang pumanaw ang kanilang ina ay marami ang mga papuri ang narinig niya tungkol rito, nang mailibing na ito ay napagusapan nila ang naiwang mana dahil na rin sa matandang kaugalian sa San Fermin na sa pagpanaw ng magulang ay kailangang kumuha ng kahit isang bagay na naiwan nito.Ang bakuran ng bahay ay napunta kay Ditse at ang ibang alahas naman ay sa kaniyang mga nakakatandang kapatid,sa halip na ibang materyal na bagay ang hingin ay mas minabuti niyang kunin na lamang ang ipinintang larawan ng kanilang mga magulang na nakabihis pangkasal.
Uhaw ang tigang na lupa ni Liwayway Arceo
Araw araw ay napapansin ng dalaga ang mga pagbabago sa kaniyang ina kapansin pansin rin ang paghikbi nito sa pagtulog at sa araw naman ay di palakibo at ang tipid kung magsalita. hinahalintulad ang dalaga sa tigang na lupa na uhaw sa atensyon ng mga magulang.lagi niyang nakikita ang kaniyang ama na nagsasalita habang namamanikilya at ang pagbuga nito ng usok mula sa sigarilyo.Dumaan ang mga panahon ay may isinauling talaarawan ang kanilang labandera sa kaniyang ina at kinabukasan ay nakita niya na lamang ang kaniyang ina na lumuluha.Isang gabi ay umuwi na lamang ang kaniyang ama na sumisikip ang dibdib. Naratay ang kaniyang ama nang ilang araw pero hindi ito iniwan ng kaniyang ina.Isang araw ay nagtungo siya sa hapag at may nakita siyang pelus at sa ilalim nito ay mga liham binasa niya ito at makaraan ng ilang sandali ay may naramdaman siyang kamay na dumampi sa kaniyang balikat nakita niya ang kaniyang ina na lumuluha at umalis ng walang kibo. Hiningi ng kaniyang ama ang liham ngunit hindi niya ito binigay, sinabi na lamang ng kaniyang ama na ang unang tibok ng puso ay hindi pag ibig. Muling pumatak ang luha ng kaniyang ina, bago lumisan ang kaniyang ama ay sianabi niya sa kaniyang asawa ang katagang "sabihin mo,mahal ko maangkin ko na ang kaligayahan ko" at pagkatapos nito ay sumagot ang kaniyang ina na "maangkin niya iyon" at tuluyan na itong nawalan ng hininga.
Impeng negro ni Rogelio Sikat
Pagpasok ni Impeng sa kanilang bahay ng tinanong siya ng kaniyang ina kung nakipag away nanaman siya ngunit wala itong kibo nung siya ay pumasok upang maghugas ng kamay Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha.
Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa siyang agwador. Mahina na ang kita ng kanyang ina sa paglalaba at mahina na rin ang kanyang kita sa pag-aagawador ngunit patuloy siya sa pagtatrabaho kahit na maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya dahil sa estado ng kanilang pamilya at dahil sa kanyang kulay. Isa sa mga matinding manukso sa kanya ay ang kapwa agwador na si Ogor.
Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakaanim na karga siya at may sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sumingit si Ogor sa pila nang si Impen na ang sasahod ng balde niya. Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang.
Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama ang kanan niyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pananakit kay Impen hanggang sa labis na nagalit si Impen. Humina si Ogor sa sunud-sunod na suntok ni Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Naramdaman ni Impen ang paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor. Tiningnan ni Impen ang nakahandusay na si Ogor at naramdaman niya na parang nanalo siya sa laban.

pasukan nanaman bukas!!
ngayong araw ay ginawa ko na yung iba ko pang takdang aralin na hindi pa natatapos tsaka nagsimba rin kami kaninang umaga.
Sabado, Enero 4, 2014
wala magawa ee
ngayong araw ay nanuod lang ako at nagbasa ng mga akda para maibuod ko na bukas wala naman akong masyadong ginawa ngayon.
Biyernes, Enero 3, 2014
sorry pohh
ngayong araw ay pumunta kami sa bahay ng tita ko sa kasamaang palad ay nabasag ko ang vase nila pero di naman sila nagalit dahil humungi ako ng paumanhin sa kanila.
Huwebes, Enero 2, 2014
kyahhhhhh!
ngayong araw ay wala naman akong masyadong ginawa, naglaba lang pohh!
Miyerkules, Enero 1, 2014
happyy new year!!!
ngayong araw dahil new year ay mga alas tres na ng madaling araw kami natulog mga bandang nine na siguro nung nagising kami pagkatapos ay tumawag kami sa probinsya para batiin yung iba pa naming kamag anak doon.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)