Ang Gilingang bato ni Edgardo M. Reyes
Sa kwentong ito ay isinasalaysay ng bunsong anak na pamilya ang kanilang buhay. Ayon sa kanya ang gilingang bato na ginagamit ng kaniyang ina sa paghahanap buhay ay minana niya kay impo na sinasabing isang mahusay na magsusuman sa buong San Fermin. Ang kaniyang ina ang tanging nagmana ng talino sa paggawa ng puto sa kanilang magkakapatid, hindi niya malaman kung gaano kahusay ang kaniyang ina sa paggawa ng puto dahil rin sa araw araw niya namin itong natitikman ngunit sa kaniyang pag iisip siguroy sawa lamang siya sa pagkain nito, ang pangkabuhayan ng kaniyang ina ay hindi sandigan ng kabuhayan nila bagkus ay ang kabuhayan ng kaniyang ama na pagpapanday.Noong namatay ang kaniyang ama ay napilitan silang magkakapatid na magtulong tulong upang matugunan ang kanilang pangangailangan, ang kaniyang mga nakakatandang kapatid ay nagtulong sa isang puwesto upang magtinda ng puto bumbong at bibingka sa kanto, si Ditse naman ay nakapuwesto sa palengke tuwing umaga at sa hapon naman ay naglilibot, si Diko naman ay karaniwang tinda ay butse at palitaw at siya naman ay naglalako ng gurgoya.
Nang minsan siyay naglako ay napaaway siya dahil sa panunukso ng mga bata sa lansangan, nang umuwi siyang may mga pasa ay pinagsabihan siya ng kaniyang ina na walang dapat ikahiya dahil marangal ang kanilang trabaho. Naging mas magaan ang kanilang buhay kumpara noon na nabubuhay pa ang kanilang ama.Nakapagtapos silang magkakapatid ng kolehiyo maliban kay Ditse na tumigil sa pag aaral dahil na rin siya ay may kapurulan ang ulo sa eskwela, lumipa ang panahon at nakapag asawa na silang lahat ngunit hindi sila lumilimot sa pagdalaw sa kanilang ina na matanda na.Dumating ang oras na kinapos sila sa pera kung kayat ang kaniyang mga nakakatandang kapatid ay lumalapit sa kaniyang ina, kahit kapos man sa pera ay mas minabuti niya na huwag na lamang ipinahalata sa kaniyang ina ang kalagayan niya.Nang pumanaw ang kanilang ina ay marami ang mga papuri ang narinig niya tungkol rito, nang mailibing na ito ay napagusapan nila ang naiwang mana dahil na rin sa matandang kaugalian sa San Fermin na sa pagpanaw ng magulang ay kailangang kumuha ng kahit isang bagay na naiwan nito.Ang bakuran ng bahay ay napunta kay Ditse at ang ibang alahas naman ay sa kaniyang mga nakakatandang kapatid,sa halip na ibang materyal na bagay ang hingin ay mas minabuti niyang kunin na lamang ang ipinintang larawan ng kanilang mga magulang na nakabihis pangkasal.
Uhaw ang tigang na lupa ni Liwayway Arceo
Araw araw ay napapansin ng dalaga ang mga pagbabago sa kaniyang ina kapansin pansin rin ang paghikbi nito sa pagtulog at sa araw naman ay di palakibo at ang tipid kung magsalita. hinahalintulad ang dalaga sa tigang na lupa na uhaw sa atensyon ng mga magulang.lagi niyang nakikita ang kaniyang ama na nagsasalita habang namamanikilya at ang pagbuga nito ng usok mula sa sigarilyo.Dumaan ang mga panahon ay may isinauling talaarawan ang kanilang labandera sa kaniyang ina at kinabukasan ay nakita niya na lamang ang kaniyang ina na lumuluha.Isang gabi ay umuwi na lamang ang kaniyang ama na sumisikip ang dibdib. Naratay ang kaniyang ama nang ilang araw pero hindi ito iniwan ng kaniyang ina.Isang araw ay nagtungo siya sa hapag at may nakita siyang pelus at sa ilalim nito ay mga liham binasa niya ito at makaraan ng ilang sandali ay may naramdaman siyang kamay na dumampi sa kaniyang balikat nakita niya ang kaniyang ina na lumuluha at umalis ng walang kibo. Hiningi ng kaniyang ama ang liham ngunit hindi niya ito binigay, sinabi na lamang ng kaniyang ama na ang unang tibok ng puso ay hindi pag ibig. Muling pumatak ang luha ng kaniyang ina, bago lumisan ang kaniyang ama ay sianabi niya sa kaniyang asawa ang katagang "sabihin mo,mahal ko maangkin ko na ang kaligayahan ko" at pagkatapos nito ay sumagot ang kaniyang ina na "maangkin niya iyon" at tuluyan na itong nawalan ng hininga.
Impeng negro ni Rogelio Sikat
Pagpasok ni Impeng sa kanilang bahay ng tinanong siya ng kaniyang ina kung nakipag away nanaman siya ngunit wala itong kibo nung siya ay pumasok upang maghugas ng kamay Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha.
Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa siyang agwador. Mahina na ang kita ng kanyang ina sa paglalaba at mahina na rin ang kanyang kita sa pag-aagawador ngunit patuloy siya sa pagtatrabaho kahit na maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya dahil sa estado ng kanilang pamilya at dahil sa kanyang kulay. Isa sa mga matinding manukso sa kanya ay ang kapwa agwador na si Ogor.
Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakaanim na karga siya at may sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sumingit si Ogor sa pila nang si Impen na ang sasahod ng balde niya. Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang.
Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama ang kanan niyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pananakit kay Impen hanggang sa labis na nagalit si Impen. Humina si Ogor sa sunud-sunod na suntok ni Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Naramdaman ni Impen ang paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor. Tiningnan ni Impen ang nakahandusay na si Ogor at naramdaman niya na parang nanalo siya sa laban.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento